Reyes mamumuno sa summer camps
MANILA, Philippines - Pamumunuan ni Elmer Reyes, isang seven-season PBA veteranat ilang beses naging miyembro ng National Team at ama ni Alaska rookie Raffy Reyes, ang pagsisimula ng mga basketball summer camps sa Metro Manila at Southern Luzon ng Integrated Sports Learning Academy (ISLA) Basketball Sports ProgÂram bukas (Abril 1).
Magkakaroon ng mga two-hour at thrice-a-week camps sa tatlong divisions – ang basic, advanced at competitive – sa mga venues sa Manila (YMCA maÂlapit sa SM Manila), Pasay City (Southeastern College), Las Piñas (Cittadela Village) at sa Laguna (DoÂminican College) sa ilalim ni Reyes na naging baÂhagi ng Grand Slam ng San Miguel Beermen sa PBA noÂong 1989.
Magsisimula din ang mga taekwondo summer camps ng I.S.L.A. sa ilalim ni Johanna Lacsamana–Ochoa, isang certified Philippine Taekwondo Association instructor at referee, sa parehong mga venues.
Para sa mga karagdagan detalye ay maaaring tuÂmaÂÂwag sa (02) 340.4762, (02) 389.1388, (0922) 880.7946 at hanapin si Nicko Isla.
- Latest