LOS ANGELES -- Posibleng maglaro si Kobe Bryant sa pakikipagharap ng Los Angeles Lakers laÂban sa Sacramento Kings sa Sabado kahit na may bone spur sa kanyang kaliwang paa.
Ito ang inihayag ng Lakers sa kasalukuyang konÂdisyon ni Bryant.
Nilisan ng pang-limang leading scorer sa NBA hisÂtory ang Bradley Center gamit ang saklay noong HuÂwebes matapos ang 103-113 kabiguan ng Lakers sa Milwaukee Bucks.
Palagiang inirereklamo ni Bryant ang bone spur at naipagamot niya ito sa Sacramento noong Biyernes.
Ang naturang bone spur ay hindi bahagi ng sprained left ankle injury ni Bryant na nangyari sa AtÂlanta.
Hindi naman makakalaro si Lakers guard Steve Nash dahil sa pananakit ng kanyang kanang tadyang buÂkod pa sa kanyang hamstring injury.
Nasaktan ang two-time MVP point guard noong Lunes sa kanilang laro ng Golden State Warriors.
Apat sa kanilang huling limang laban ang naipatalo ng Los Angeles (37-36).