10 kabayo maghaharap sa Asistio Stakes Race

MANILA, Philippines - Sampung kabayo pero siyam lamang ang opis-yal na bilang ang kasali sa 2nd Macario B. Asistio, Sr. Stakes Race na mag­hapong karera sa San La­zaro Leisure Park sa Car­mo­na, Cavite.

Ang mga kasali ay ang Absolute, Well Well Well, Big Bang, High Vol­­tage, ang coupled entry na Raon, Ja­han, Native Land, Shoe­maker, Boom Boom Boom at Fort Alamo.

Inilagay ang karera sa 1,400-metrong distans­ya at ang mananalo ay ta­tanggap ng gantimpalang P180,000.00 na inilaan ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Tanging ang mananalo lamang sa karerang ito ang tatanggap ng premyo kaya’t naniniwala ang Phil­­racom na magiging pa­laban ang bawat lahok.

Ang Native Land ang si­yang binigyan ng pi­na­kamabigat na handicap weight na 56 kilos at haha­wakan ni Jessie Guce,  habang ang Well Well Well ni FA Tuazon ang may ikalawang pi­nakamabigat na handicap weight na 55 kilos.

Inaasahang palaban ang dalawang nabanggit na kabayo habang, han­da ring makasilat ang Shoe­maker ni Dominador Borbe Jr., ang Jahan ni RC Baldonido at ang Ra­on ni Jeff Zarate.

May 12 races ang na­ka­programa sa hapong ito at isa sa aabangan ay ang tagisan sa race 6 na isang class division 9 at 10.

Siyam na kabayo ang nasa line-up sa karerang inilagay sa 1,400m dis­tansya.

Inaasahang mag­ba­ba­likatan ang Patron (AB Al­­ca­sid), Darleb (Zara­te) at Dancing Storms (Ro­deo Fer­­nandez) para ma­kuha ang panalo.

 

Show comments