NEW ORLEANS -- Bumangon ang Miami Heat muÂla sa kanilang unang kabiguan sa loob ng dalaÂwang buwan para muling magsimula ng isa na namang winning streak.
Tumipa si LeBron James ng 36 points, kasama diÂto ang anim na magkakasunod na 3-pointers sa halos anim na minuto sa first half, upang pamunuan ang Heat sa 108-89 paggiba laban sa New Orleans Hornets noong Biyernes ng gabi.
Noong Miyerkules ay nagwakas ang 27-game winÂning streak ng Miami nang matalo sa Chicago Bulls.
Ang panalo naman ng Heat kontra sa Hornets ang nagbigay sa kanila ng top seed para sa Eastern Conference Playoffs.
Nag-ambag si Dwyane Wade ng 17 points at 7 assists para sa Heat.
Umiskor naman si Ryan Anderson ng 20 points muÂla sa bench para sa Hornets, habang may 17 si Eric Gordon.
Sa San Antonio, nagposte si All-Star Tim Duncan ng season-high 34 points, tampok dito ang game-winning three-point play sa huling 2.2 segundo, para igiya ang Spurs sa 104-102 panalo laban sa Los Angeles ClipÂpers.
Nagtala naman si Tony Parker ng 24 points at 8 assists para sa San Antonio.
Binanderahan ni Blake Griffin ang Clippers mula sa kanyang 18 points kasunod ang 16 ni Jamal Crawford at 14 ni Chris Paul.