Lebron bida sa ika-27th win ng Heat
ORLANDO, Florida — Nagposte si LeBron James ng 24 points, 11 assists at 9 rebounds at naitala ng Miami Heat ang kanilang pang-27 dikit na panalo matapos gibain ang Orlando Ma-gic, 108-94, noong Lunes ng gabi.
Anim na panalo pa ang kailangan ng Miami para mapantayan ang 33 sunod na panalo ng Los Angeles Lakers na nangyari noong 1971-1972 bilang pinakamahabang winning streak sa NBA history.
Ang 27-game winning streak ng Heat ang ikalawang pinakamahabang winning run sa kasaysayan ng American major sports sa ilalim ng Lakers kasunod ang baseball team na New York Giants na may 26 dikit na tagumpay noong 1916, ang 21 ng New England Patriots sa NFL noong 2003 at 2004 at ang 17 ng Pittsburgh Penguins sa NFL noong 1993.
Umiskor si Mario Chalmers ng 17 points, habang may tig-12 naman sina Chris Bosh at Ray Allen para sa Miami, naglunsad ng isang 13-0 run sa pagtatapos ng third period at sa pagbubukas ng fourth quarter para igupo ang Orlando.
Ipinoste ng Heat ang isang 20-point advantage bago ginamit ni Fil-American head coach Erik Spoelstra ang lahat ng kanyang players sa bench para sa kanyang pang-250 panalo sa koponan.
Tumipa si Jameer Nelson ng 27 points at 12 assists para banderahan ang Magic, habang may 20 points si Tobias Harris.
Sa Oakland, California, kumolekta si Stephen Curry ng 25 points, 10 assists at 7 rebounds bagama’t may sprained ankle injury para igiya ang Golden State Warriors sa 109-103 panalo kontra sa Los Angeles Lakers.
Nag-ambag naman si David Lee ng 23 points at 12 rebounds at may 22 points si Klay Thompson para sa Warriors na nagtayo ng isang 25-point lead sa third quarter.
- Latest