MANILA, Philippines - Espesyal na panauhin ngayon si Fil-German mid fielder Stephan Schrock, beterano ng UNDESLIGA at ng Philippine Azkals sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Tatalakayin ng 26-gulang na si Schrock ang kanyang kasalukuyang pagkampanya sa Azkals na lumalaban ngayon sa AFC Challenge Cup qualifiers bilang highest paid Filipino player sa Europe sa kasalukuyan.
Ilulunsad din sa session na maririnig ng live sa DZSR Radio 98 na handog ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation ang bagong sapatos na tinawag na Accel Schrocky Shoes na ipinangalan sa Azkals player.