MANILA, Philippines - Minultahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud si Alaska head coach Luigi Trillo ng kabuuang P40,000 dahil sa mga pinaggagawa nito pagkatapos ng kontrobersyal na 84-83 pagkatalo ng Aces sa San Mig Coffee sa PBA Commissioner’s Cup noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay Salud, P20,000 ang naging multa ni Trillo “for repeatedly issuing statements to the press that tend to undermine public confidence in the game’s outcome in general, and mislead and confuse the public as to the correctness of the call made by the game officials in the game…â€
Dagdag pa ni Salud, “detrimental to the best interests of the league†ang mga pinagsasabi ni Trillo sa media pagkatapos ng laro patungkol sa naging double lane violation na hindi pag-count ng pangalawang free throw ni Alaska rookie Calvin Abueva, may 12.7 segundo na lamang ang natitira sa laro na nagtabla sana sa iskor.
Ang P20,000 naman sa multa ni Trillo ay dahil sa paglabag sa isang patakaran ng liga na bawal kumprontahin ang mga opisyal ng liga pagkatapos ng laro. Pero ayon kay Trillo, hindi naman daw paglilinlang sa publiko o pag-atake sa liga ang kanyang ginawa.
“It was not about misleading (the public) but I feel I had a fact to present from the PBA rulebook about the call which is a technical issue and not a personal issue. It’s not about attacking the league or misleading the fans,†paliwanag nito.
Tinangkang iprotesta ng Alaska ang resulta ng nasabing laro kung saan hangad ng Aces, hindi lamang ang mapanatili ang kanilang pagiging solo leader sa standings, kungdi talunin din sana sa kauna-unahang pagkakataon ang Mixers at ang kanilang dating head coach na si Tim Cone sa kauna-unahang pagkakataon sa siyam na laro, o mula nang nilisan ni Cone ang Alaska para lumipat ng ibang koponan.