MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ma-gandang pagtakbo ng kabayong Narra sa pagdadala ni jockey Jessie Guce nang dominahin ng tambalan ang Philracom Sponsored Charity Special Race na itinakbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Mga kabayong nasa class division 6 ang nag-laban-laban sa 1,300m distansya at ang Narra ay kumilos sa huling 450-metro ng karera para agawin ang banderang unang tangan ng Neversaygoodbye.
Sinikap ng Psst Taxi na hawak ni MV Pilapil na habulin ang Narra pero hindi na ito umabot para malagay sa ikalawang puwesto, halos dalawang dipa ang layo sa pagtawid ng meta.
Naunahan naman ng Vanguard ang Conquista Roll sa ikatlong puwesto.
Galing sa panalo sa huling takbo, ang Narra ay naorasan ng 1:21.8 tiyempo sa kuwartos na 7, 24, 24 at 26.
Ang panalo ay nagresulta para kunin ng may-ari ng Narra na si Gaudencio Pamaos ang unang gantimpala na P180,000.00 mula sa P300,000.00 na isinahog ng Philippine Racing Commission.
Nakontento ang connections ng Psst Taxi na tumakbo kasama ang coupled entry na Jacklyn’s Diamond, sa P67,500.00 habang P37,500.00 at P15,000.00 ang naiuwi ng pumangatlo at pumang-apat sa datingan.
Ang karerang ito ay isang charity race at ang nabiyayaan ng kinita ng race ay ang Center for Disaster and Emergency Management Inc.
Samantala, nailinya naman ng Eurasian ang sarili bilang isa sa paborito sa pagtakbo ng unang yugto ng 2014 Triple Crown Stakes Race nang dominahin ang 3YO-Class Division 5-4, unang karera na idinaos sa 1,100m distansya.
Nakalaban ng Eura-sian na hawak ni Jeff Zarate ang isa pang matinik na kabayo na Boss Jaden pero hindi nakaporma ang kabayong sakay ni JB Bacaycay upang makumpleto ng kabayong pag-aari ni Joseph Dyhengco ang banderang-tapos na panalo.