$450M deal para sa pagtatayo ng arena sa Sacramento

SAN FRANCISCO - Inihayag ng Sacramento officials na naplantsa na ang isang $450 million deal sa private developers para magtayo ng entertainment at sports complex.

Dahil dito, inaasahan nilang hindi na lilipat ang Kings basketball team sa Seattle.

Isang private investor group na pinangungunahan ni hedge fund manager Chris Hansen ang gustong bumili sa Sacramento Kings at ilipat ito sa Seattle.

Ngunit kailangan itong aprubahan ng National Basketball Association bukod pa kay Mayor Kevin Johnson, isang dating superstar ng Cleveland Cavaliers at Phoenix Suns.

Naglatag na ang NBA at si Johnson ng mga investors para sa isang counter offer.

Kasama sa grupo sina billionaire supermarket mogul Ron Burkle, 24 Hour Fitness founder Mark Mastrov at Tibco Software Inc. chief executive Vivek Ranadive.

Sinabi ni Johnson na inaprubahan ni NBA Commissioner David Stern ang kanyang panukala para sa isang counter offer.

Nakatakdang magbotohan ang NBA board of go-vernors sa kalagitnaan ng Abril kung papayagan ang Sacramento na panatilihin ang koponan o ilipat ito sa Seattle. Isang preliminary meeting ng NBA Board ang nakatakda sa Abril 3 kung saan ilalatag ng Sacramento at Seattle investment group ang kanilang mga alok para sa Kings.

 

Show comments