MANILA, Philippines - Tatlong atleta na kuÂmiÂÂnang sa kanilang mga events ang makakasama ng La Salle at UST na taÂtanggap ng parangal sa pagsasara 75th UAAP season ngayong hapon sa SM City North Edsa Skydome.
Ang Green Archers ay gumawa ng kasaysayan sa paglahok sa senior division nang angkinin ang kauna-unahang overall championship title mula ng pumasok sa liga noong 1986.
Nakakuha ng 293 punÂtos ang La Salle at winakasan nila ang 14 suÂnod na taon na pamamaÂyagpag ng UST na tuÂÂmapos sa 277 puntos.
Binalikat naman ang laban ng UST ng kanilang junior team na Tiger Cubs na nanalo muli sa ikapitong sunod na taon.
Kumubra ng 220 puntos ang Tiger Cubs para isantabi ang hamon ng UE na may 216 puntos at ibulsa ng UST ang ika-15 junior title.
Ang mga taekwondo jins ng UST na sina Christian Al dela Cruz at Juan Miguel Ramos at ang softball player ng Adamson na si Michelle Lentija ang hinirang na Athletes of the Year matapos manalo ng ginto sa kaÂnilang events.