Blazers pinaamo ang Bulls
CHICAGO -- Sinabi ni LaMarcus Aldridge na gustung-gusto niyang naglalaro sa Chicago.
At ito ay nakita sa kanya kagabi.
Umiskor si Aldridge ng 28 points para pangunahan ang Portland Trail Blazers sa 99-89 panalo laban sa Chicago Bulls.
“This is one of my top three cities to play in, all the tradition. They traded me on draft night, so this is always fun,’†wika ni Aldridge, hinirang ng Bulls biÂlang second overall pick noong 2006 bago dinala sa Blazers kapalit ni Tyrus Thomas.
Nagdagdag naman si Damian Lillard ng 24 at piÂnaganda ng Portland ang kanilang road record sa 10-25 para walisin ang Bulls ngayong season sa unang pagÂkakataon matapos noong 2008-09 season.
Kumoklekta si J.J. Hickson ng career-high 21 rebounds para sa Portland.
Tinalo na ng Blazers ang Chicago, 102-94, noong NobÂyembre 18 ngayong season.
Tumipa naman si Joakim Noah ng 18 points, habang humakot si Carlos Boozer ng 16 points at 11 rebounds para sa Chicago.
Kinuha ng Chicago ang first period, 21-20, ngunit umiskor naman ang Portland ng unang 14 points sa second quarter patungo sa 52-37 bentahe sa halftime.
Humugot si Aldridge ng 16 points at may 13 si Lillard sa first half.
Ipinoste ng Trail Blazers ang isang 28-point lead sa third quarter bago nakalapit ang Bulls sa 10 points sa huling 36 segundo ng fourth quarter.
- Latest