^

PM Sports

Texters nakalusot

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang three-point shot ang ipinasok ni Jimmy Alapag sa huling 2.7 se­gun­do sa regulation para dalhin sa overtime ang la­ro kung saan hindi na pi­naiskor ng Talk ‘N Text ang Petron Blaze para magwagi, 93-85, sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Ang pang-limang panalo sa siyam na laro ng Tropang Texters ay nag­lagay sa kanila sa solo sa pang-apat sa team stan­dings, habang bumaba naman sa 6-3 ang karta ng Boosters na siyang kau­na-unahang koponan sa buong 38-taong kasay­sayan ng liga na hindi nakaiskor sa OT.

“That has got to be one of the best wins I’ve experienced in the league,” ani TNT head coach Norman Black na 1981 pa narito sa bansa bilang import ng Tefilin.

Si Jayson Castro ang nagbida sa overtime para sa TNT sa kanyang dalawang puntos, tatlong rebounds at tig-isang assist at steal.

Si Donnell Harvey ang nanguna sa panalo ng Talk ‘N Text sa kanyang PBA career-high 38 points, 17 rebounds, 2 assists at 1 steal, samantalang nagdagdag ng 17 puntos si Larry Fonacier bukod pa sa 5 assists, 5 rebounds at 2 steals.

Nagtapos naman ng may 10 puntos si Alapag kabilang na ang triple na sumalba sa Tropang Texters.

Limang players ang umiskor ng double fi­gures para sa Petron Blaze, pinakawalan ang 85-79 bentahe sa huling 37.1 segundo sa regulation.

Bago ang game-tying triple ni Alapag ay unang nakasyut ng isang three-pointer si Ranidel de Ocampo para ibaba sa 82-85 ang lamang ng Petron Blaze bago nagmintis ng dalawang free throws si Ar­wind Santos para sa Boosters.

Makakaharap nga­yong alas-5:45 ng hapon ng  Air21 ang Globalport sa rematch ng kanilang paghaharap noong Marso 10 na napanalunan ng Express, 106-94.

Sa alas-8 ng gabi mag­tatagpo ang Alaska at San Mig Coffee.

Talk ‘N Text 93 - Harvey 38, Fonacier 18, Alapag 10, Williams 7, De Ocampo 7, Castro 6, Dillinger 3, Al-Hussaini 2, Alvarez 2, Aban 0, Carey 0.

Petron 85 - Lassiter 18, Santos 14, Cabagnot 14, Fajardo 13, White 12, Washington 6, Lanete 4, Yeo 4, Tubid 0, Peña 0.

Quarterscores: 17-18; 33-36; 53-56; 85-85; 93-85 (OT).

vuukle comment

ALAPAG

DE OCAMPO

JIMMY ALAPAG

LARRY FONACIER

N TEXT

NORMAN BLACK

PETRON BLAZE

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with