Tapos na ang season ni Bynum
MANILA, Philippines - Sasailalim si Philadelphia 76ers center Andrew Bynum sa arthroscopic surgery para sa kanyang dalawang tuhod at hindi na makakalaro sa mga nalalabing games ng season, ayon sa mga sources ng Yahoo! Sports.
Ang pangunahing focus ng procedure ay tanggalin ang mga dumi sa kanyang tuhod, sabi pa ng Yahoo! Sports.
Ang 25-gulang na si Bynum, bida sa 76ers blockbuster deal noong summer ay posibleng hindi na talaga makakalaro para sa prangkisa.
Hindi pa nakakalaro si Bynum ngayong season dahil sa problema sa tuhod at magiging unrestricted free agent na siya ngayong summer.
Kumita siya ngayong season ng $16.9 million para sa huling taon ng kanyang contract.
Naguguluhan ang 76ers kung aalukin pa si Bynum ng kontratra para manatili sa team dahil may ibang teams na nagkakainteres sa kanya.
Ang Houston Rockets at Dallas Mavericks ay may espasyo pa sa salary-cap at kailangan nilang makuha si Bynum.
Matagal na ang problema ni Bynum sa tuhod at nanganganib na ang kanyang career.
Pagkatapos ng dalawang operasyon ng tuhod sa kanyang makulay na seven-year career sa Los Angeles Lakers, nalipat si Bynum sa Sixers bilang bahagi ng three-way deal sa Orlando na nagdala kay Dwight Howard sa Lakers.
Ipinamigay ng Sixers ang mga batang players na may potensiyal na sina Nik Vucevic at Mo Harkless sa Magic at dinala si All-Star Andre Iguodala sa Denver Nuggets na bahagi ng deal.
- Latest