Kailangang tumulong ang gobyerno sa pagbabago sa SEA Games - Escudero

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Se-nator Francis ‘Chiz’ Escudero na nagawa na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang dapat nilang gawin para sa posibleng magiging masamang kampanya ng Pinas sa Southeast Asian Games sa Myanmar dahil sa dagdag-bawas sa mga events para mapaboran ang host country.

Ngunit sinabi ni Escudero na kailangang may gawin din ang gobyerno para magkaroon ng pagbabago sa hosting ng SEA Games.

Ayon kay Escudero, nasa tamang landas ang PSC sa pag-aasiste sa Philippine Olympic Committee (POC)  para sa pagbabago sa SEA Games.

Nakatulong ang pagdating dito sa bansa ni  Olympic Council of Asia (OCA) president Sheikh Fahad Al-Sabah na nagbigay ng kanyang suporta sa adhikain ng Pinas na makuha rin ang tulong ng ibang  SEA Games countries.

 Ayon pa kay Escudero, dapat makahanap ang PSC ng ibang paraan para madagdagan ang lahok na atleta sa 2016 Olympics in Rio de Janeiro.matapos mabawasan ang mga  Olympic sports  sa Myanmar  SEA Games.

Show comments