NEW YORK – Pinagmulta ng NBA si Milwaukee Bucks forward Larry Sanders ng $50,000 dahil sa kanyang mga nakakapanirang sinabi laban sa mga opisyal.
Ito ay bunga ng kanyang matinding galit matapos tawagan ng foul laban kay LeBron James ng Miami sa huling 2:44 minuto sa fourth quarter matapos matalo ang Milwaukee, 107-94 sa Heat noong Biyernes ng gabi. Tumanggap siya ng dalawang technicals at napatalsik sa laro matapos pagsalitaan ng masama ang mga referees.
Pagkatapos ng laro, sinisi ni Sanders sa kanyang pagkakasibak sa laro ang aniya ay dahil may pagkiling ang mga referees sa Miami.
“I can imagine it’s hard for a referee to ref a Miami Heat game,’’ aniya.