MANILA, Philippines - Sinabi ni Kobe Bryant na ang mapanganib na pagdedepensa sa kanya ni Dahntay Jones’ ang sanhi ng pagkapuwersa ng kanyang kaliwang bukung-bukong.
At sumang-ayon naman ang NBA.
Ngayon ay umaasa ang Los Angeles Lakers na makakabalik pa para sa playoffs ang kanilang star player.


Nagpa-treatment ng ilang oras si Bryant nitong Huwebes para sa sinasabi niyang pinakamasamang pagkapuwersa ng kanyang ankle sa 17 season na pag-lalaro nito sa NBA.
Bagama’t walang ibinigay na update ang Lakers ukol sa kanyang kondisyon matapos sabihing ‘out indefinitely’ si Bryant, inamin ng NBA na dapat ay tinawagan ng foul si Jones sa kanilang banggaan ni Bryant na namilipit sa sakit.
Ang fifth-leading scorer sa NBA history na si Bryant ay nagka-injury nang matapakan niya ang paa ni Jones pagkabagsak niya, 4 segundo na lang ang natitira matapos magtangka ng panablang jumper sa 96-92 pagkatalo ng Lakers sa Hawks noong Miyerkules ng gabi.
Pagkabagsak ay umikot si Bryant at inilabas ng court na nakangiwi ang mukha sa sakit at galit dahil sa style ng pagdedepensa ni Jones kung saan pumuwesto ito sa ilalim habang nasa ere si Bryant.
Nag-tweet si Bryant tungkol dito noong Huwebes na may hashtag na ‘cleanupthegame.’


Matapos ito ay sinabi ng NBA na nakumpirma sa video replay na na-foul si Bryant.

“After review at the league office, video replay confirmed that referees missed a foul call on Jones as he challenged Bryant’s shot and did not give him the opportunity to land cleanly back on the floor,’’ sabi sa statement sa website ng NBA. “Bryant should have been granted two free throws.’’


Nag-tweet si Bryant ng “still very swollen. Treatment all day.’’