INDEPENDENCE, Ohio – Kahanga-hanga ang skills ni Kyrie Irving bilang point guard. Walang tututol kapag sinabing ‘do-it-all’ player ito. Ngunit magkakaroon ng debatehan kung makakatagal siya o hindi.
Posibleng hindi makalaro si Irving sa susunod na buwan at baka hindi na rin ito makakalaro sa mga nalalabing games sa season dahil sa napuwersang kaliwang balikat.
May 29 games na sa kanyang unang dalawang NBA seasons na hindi nakapaglaro si Irving dahil sa mga injury at posibleng hindi siya makalaro ng 19-games pa.
Nagka-injury si Irving sa pagkatalo ng Cavs sa Toronto noong Linggo nang bumangga siya kay Raptors rookie forward Jonas Valanciunas nang mag-drive ito sa baseline sa third quarter. Bumangga ang balikat ni Irving sa 257-pounder na si Valanciunas at nawalan ng balanse.
Negatibo ang mga X-rays ngunit sa MRI nitong Lunes sa Cleveland ay nakita ang AC (acromioclavicular) sprain.
Inaasahan ng Cavs na hindi makakalaro si Irving ng tatlo hanggang apat na linggo ngunit halos mahigit isang buwan na lang ang natitira sa season.
Inaasahang hindi na lamang nila ito palalaruin para mapangalagaan ang kanyang kalusugan.
“We just have to wait and see what happens,’’ sabi ni Cavs coach Byron Scott. “I don’t want to speculate.’’