^

PM Sports

Irving mawawala ng 1-buwan dahil sa napuwersang balikat

Pang-masa

INDEPENDENCE, Ohio – Kahanga-hanga ang skills ni Kyrie Irving bilang point guard. Walang tututol kapag sinabing ‘do-it-all’ player ito. Ngunit magkakaroon ng debatehan kung makakatagal siya o hindi.

Posibleng hindi makalaro si Irving sa susunod na buwan at  baka hindi na rin ito makakalaro sa mga nalalabing games sa season dahil sa napuwersang kaliwang balikat.

May 29 games na sa kanyang unang dalawang  NBA seasons na hindi nakapaglaro si Irving dahil sa mga injury at posibleng hindi siya makalaro ng 19-games pa.

Nagka-injury si Irving sa pagkatalo ng Cavs sa Toronto noong Linggo nang bumangga siya kay Raptors rookie forward Jonas Valanciunas nang mag-drive ito sa baseline sa third quarter. Bumangga ang balikat ni Irving sa 257-pounder na si Valanciunas at nawalan ng balanse.

Negatibo ang mga X-rays ngunit sa MRI nitong Lunes sa Cleveland ay nakita ang AC (acromioclavicular) sprain.

Inaasahan ng Cavs na hindi makakalaro si Irving ng tatlo hanggang apat na linggo ngunit halos mahigit isang buwan na lang ang natitira sa season.

Inaasahang hindi na lamang nila ito palalaruin para mapangalagaan ang kanyang kalusugan.

“We just have to wait and see what happens,’’ sabi ni Cavs coach Byron Scott. “I don’t want to speculate.’’

vuukle comment

BUMANGGA

BYRON SCOTT

INAASAHAN

INAASAHANG

IRVING

JONAS VALANCIUNAS

KAHANGA

KYRIE IRVING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with