Laro NGAYON (San Juan Arena)
12 p.m. – Cebuana Lhuillier vs Boracay Rum
2 p.m. – Jumbo Plastic vs Fruitas Shakers
4 p.m. – Big Chill vs NLEX
MANILA, Philippines - Anim sa 12 koponang kasali ang mag-uunahan sa paghablot ng unang panalo sa pagbubukas ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Arena.
Triple-header ang matutunghayan sa unang araw ng torneo at unang magsusukatan sa ganap na ika-12 ng tanghali ay ang Cebuana Lhuillier at Boracay Rum bago sundan ng salpukan ng baguhang Jumbo Plastic at Fruitas Shakers dakong alas-2 at NLEX kontra sa Big Chill dakong alas-4.
Ang Road Warriors ay magbabalak na kunin ang ikalimang sunod na titulo sa liga ngunit ngayon pa lamang ay nag-aalangan na si coach Boyet Fernandez sa tsansa nilang magtagumpay.
May mga iniindang injuries ang kanyang mga manlalaro at bukod dito, hindi pa tiyak kung makakalaro sa koponan sina Ian Sangalang, Ronald Pascual at RR Garcia na kinukuha ng ibang teams.
“It will be a tough one. My players are not in shape and we have issues that has been bothering the team. Hindi ko rin malaman kung sino ang sisipot sa laro bukas,†wika ni Fernandez.
Ngunit tiwala naman siya na ang mga maglalaro ay handang balikatin ang laban at dalhin ang matikas na marka na itinatak ng Road Warriors sa liga.
Isa ang Big Chill sa naghahangad ng magandang kampanya matapos mapatalsik agad sa quarterfinals sa nagdaang conference.
Pero bawas ang lakas ng tropa ni coach Robert Sison dahil wala na sa koponan sina John Brondial, Jessie Collado, Jonathan Semira, Jam Cortez at Ryan Buenafe habang si Terrence Romeo ay di pa tiyak kung makakasama sa koponan.
Si Romeo ay kinukuha ni coach Nash Racela para sa Fruitas team dahil balak niyang gamitin ang D-League bilang bahagi ng paghahanda ng FEU sa UAAP na kung saan siya rin ang nakaupong coach.
Anim pang manlalaro ng Tamaraws ang nasa Shakers na sisipatin ang husay ng Jumbo Plastic na isa sa tatlong baguhang koponan sa liga.