^

PM Sports

Accel-PBA Press Corps player of the week

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Sonny Thoss ng Alaska ang nahirang na Accel Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggo mula March 4-10 ng PBA Commissioner’s Cup.

 Sa isang mahigpit na deliberasyon ng mga sportswriters na regular na kumokober ng PBA ay tinalo ni Thoss para sa nasabing parangal sina Mark Caguioa at LA Tenorio ng Barangay Ginebra at rookie Chris Tiu ng Rain or Shine na mga nagpamalas din ng kakaibang galing nitong nakaraang linggo.

Naging malaking bagay sa pagkahirang kay Thoss ang kanyang mga nagawa sa 83-73 panalo ng Aces kontra sa Petron noong Biyernes na nagluklok sa Alaska sa liderato sa kanilang 6-1 karta, bukod pa sa pagpu-tol sa five-game win streak ng Boosters.

 Nagtapos si Thoss ng may 14 points sa isang 7-for-9 shooting mula sa field, apat na assists at dalawang rebounds, bukod pa sa pagiging haligi ng depensa ng Aces sa loob ng shaded lane kasama ni import Robert Dozier.

“Sonny is a guy who will sacrifice his stats for the greater good of our team. He has to get the import at times and box him out, that is why his rebounds are down this conference. He is the consummate teammate,” wika ni Alaska head coach Luigi Trillo tungkol sa kanyang big man.  “Against Petron we felt we could dump it into him and you saw how he got his teammates involved to win the game with the passes to Dondon (Hontiveros) and JV (Casio). He makes his game do the talking. I always hope my son can grow up and act like Sonny.

ACCEL PLAYER OF THE WEEK

AGAINST PETRON

BARANGAY GINEBRA

BIYERNES

CHRIS TIU

LUIGI TRILLO

MARK CAGUIOA

PRESS CORPS

ROBERT DOZIER

SI SONNY THOSS

THOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with