NGAP, SBP napiling NSA’s of the Year sa PSA Awards
MANILA, Philippines - Dalawang prominenteng sports federations ang napili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) bilang panguna-hing National Sports Associations (NSAs) para sa taong 2012.
Magsasalo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at ang National Golf Association of the Philippines (NGAP) sa entablado bilang mga co-awardees ng NSA of the Year plum sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Sabado sa grand ballroom ng Manila Hotel sa Marso 16.
Si top sportsman-businessman Manny V. Pangilinan ang responsable sa paglakas ng kanyang sport na nananatiling No. 1 sa puso ng mga Filipino sports fans, habang unti-unti namang gumagawa ng kanyang marka si dating amateur standout Tommy Manotoc bilang pangulo ng golf association.
“The (NSA of the Year) award is not just about the success or accomplishments of a sports body, but also reflects on the programs that contribute to its growth and success, which the (PSA) Board believes have been embodied by both the SBP and NGAP,†wika ni PSA president Rey Bancod ng Tempo.
Ito ang unang pagkakataon na pararangalan ang SBP at ang NGAP ng pinakamatandang media organization sa se-remonyang inihahandog ng San Miguel Corp., LBC, Smart, Globalport 900, Philippine Basketball Association, Senator Chiz Escudero, SM Prime Holdings, Philippine Sports Commission, Rain or Shine, ICTSI at Philippine Golf Tour at Meralco.
Noong 2012 ay pinagharian ng Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes ang William Jones Cup basketball tournament matapos ang 14 taon at nakapasok sa semifinals ng FIBA-Asia Cup.
Para maibalik ang bansa sa world basketball map, hindi huminto si Pangilinan sa pagsikwat sa hosting rights ng 2013 FIBA-Asia cage meet na magsisilbing qualifier para sa 2014 World Basketball Championships.
Naging masipag naman si Manotoc sa pagpapalakas sa talent discovery at grassroots development ng NGAP matapos siyang maihalal bilang pangulo.
Bumuo na ang golf leader ng koponan para sa 2013 Southeast Asian Games, Asian Games, Putra Cup at sa world amateurs.
Pararangalan ng PSA bilang mga co-winners ng Athlete of the Year award ang Manila women’s softball team, Ateneo Blue Eagles at sina boxing champions Josie Gabuco at Nonito Donaire Jr.
- Latest