‘Best of the best’ sa Myanmar SEA Games

MANILA, Philippines - Ang pagpapadala ng bansa ng mga ‘best-of-the-best’ mula sa iba’t ibang sports events ang tanging so­lusyon para mabawasan ang epekto ng pagdadagdag at pagbabawas ng mga events sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ito, ayon kay SEA Games task force head Jeff Ta­mayo, ang naging pahayag ng mga National Sports Asso­ciations sa kanilang pulong.

“Token representation? No, we don’t believe in that. The connotation is bad,” ani Tamayo sa SCOOP sa Kamayan noong Biyernes. “It’s as if we’re only sen­ding a delegation for the sake of sending na walang pag-asang mag-perform ng mabuti.”

Noong 2011 SEA Games sa Indonesia, humakot ang mga Filipino athletes ng kabuuang 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals para tumapos sa No. 6.

“Studying carefully our performance, the consensus arrived at is that all is not lost yet for us to fashion out a decent and credible finish despite losing me­dals,” wika ni Tamayo.

 

Show comments