MANILA, Philippines - Tinapos ng National University ang pagkauhaw sa titulo sa UAAP men’s volleyball nang lapain ang Far EasÂtern University, 26-24, 25-22, 23-25, 25-19, sa Game Three ng kanilang chamÂpionship series kahapon sa The AreÂna sa San Juan.
Si Berlin Paglinawan ay humataw ng 16 puntos, habang si Peter Torres ay tumapos taglay ang 15 puntos paÂra angkinin ng Bulldogs ang titulo laÂban sa Tamaraws, 2-1.
“Hindi nasayang ang hirap namin. Tiyaga at sipag lang,†pahayag ni Torres na siyang hinirang na Most ValuaÂble Player.
Nag-ambag naman si team captain Rueben Inaudito ng 13 points.
“Sobrang saya. Ang tagal naming hiÂnintay ’to,†wika naman ni Bulldogs head coach Dante Alinsunurin. “Tatlong taon naming hinintay pero ngayon duÂmating na. Nagpapasalamat kami sa Diyos na ibinigay na sa amin.â€
Nabigo naman ang FEU sa tinatarget na ika-26 titulo nang hindi nasabaÂyan ang tikas ng NU.
Ito ang ikaapat na titulo sa mens division ng Bulldogs ngayong UAAP season matapos ang mga panalo sa beach volley, badminton at tennis events.
Ang pagkapanalo ng NU ang opisÂyal na nagsara sa aksyon ng taon.