MANILA, Philippines - Asahan na ang pinakamabangis na Azkals ang mabubuo ng Pilipinas para sa gaganaping 2013 AFC Challenge Cup Qualifiers Group E sa Rizal Memorial Football Field sa huling linggo ng buwan ng Marso.
Mismong si coach Hans Michael Weiss ang nagtiyak na ang lahat ng mga de-kalidad na Fil-Foreign players ay dara-ting sa kompetisyon mula Marso 22 hanggang 26.
“All the players will be available. That means we will have to make hard decision on players who can work as a team,†wika ni Weiss sa pulong-pambalitaan kahapon sa tanggapan ng Philippine Football Federation (PFF) sa Pasig City.
Ang mga mahuhusay na goal keepers na sina Neil Etheridge at Roland Muller ay sasama sa koponan bukod pa sa mga matitikas na Fil-Foreigners na sina Dennis Ca-gara, Jerry Lucena, Stefan Schrock, Paul Mulders, Ray Jonsson at ang bagong kuhang Fil-Italian striker na si Javier Patino.
“Hindi naman mala-king problema ang jelling dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na magsasama-sama sila. May core players na rin tayo na matagal nang naglalaro,†wika ni team manager Dan Palami.
Ang Brunei, Cambodia at Turkmenistan ang kukumpleto sa bansang magtatagisan at ang mga laro kontra sa Azkals ay itinakda sa Marso 22, 24 at 26.
Ang Turkmenistan ang siyang pinakamabigat na kalaban ng Azkals dahil ito ang tumalo sa bansa sa semifinals ng 2012 AFC Challenge Cup Finals sa Kathmandu, Nepal.