NEW YORK -- Pinagmulta si Oklahoma City forward Serge Ibaka ng $25,000 ng NBA matapos tirahin si Blake Griffin ng Los Angeles Clippers sa si-ngit noong Linggo, ayon sa pahayag ni NBA exe-cutive vice president for basketball operations Stu Jackson nitong Martes.
Iniangat din ng liga flagrant foul 1 ni Ibaka sa Flagrant Foul 2 na ang ibig sabihin ay na-eject sana siya sa laro.
Nangyari ang insidente, may 1:52 minuto pa ang nalalabi sa fourth quarter nang matalo ang Thunder kontra sa Clippers, 108-104 sa Staples Center.