Barrera magtatayo ng gym

MANILA, Philippines - Plano ni Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera na magbukas ng gym sa Manila at umaasa siyang maging co-promoter ng mga paboksing na katatampukan ng mga Mexican at Filipino fighters dito sa Pinas at sa Mexico upang makadiskubre ng mga future world champions.

Sinabi ng Pinoy na kaibigan ni Barrera na si Jeff de Guzman na nakausap ng Mexicano si Manny Pacquiao sa telepono sa kanyang nakaraang apat na araw na pagbisita sa Cebu para panoorin ang pagdedepensa ni WBO lightflyweight titlist Donnie Nietes kontra sa Mexican challenger WBO minimumweight king na si Moises Fuentes sa Waterfront Hotel Pacific Ballroom sa Lahug noong Sabado.

“Manny invited Barrera to Sarangani but Barrera couldn’t go,” sabi ni De Guzman.  “Barrera arrived in Cebu last Thursday and left Sunday morning after the fight because of a commitment with Azteca TV.  Barrera will be back in one or two months to sit down with prospective partners for his boxing project.”

Plano ni Barrera na paglabanin ang mga Filipino at Mexican fighters.  May alaga siyang 23 bagitong Mexican fighters na mga edad 21-25 gulang.

Show comments