Beal nasa day-to-day status

WASHINGTON – Sinabi ng mga doctor ng Washington Wizards na napuwersa ang left ankle ni guard Bradley Beal.

Kinumpirma ng mga doctor noong Lunes  ang kanilang diagnosis matapos masaktan ang rookie sa fourth quarter ng kanilang 90-87 panalo kontra sa Philadelphia.

Binuhat si Beal papunta sa locker room ng dalawa niyang teammates at may saklay ito pagkatapos ng laro ngunit wala namang nakitang seryosong damage sa kanyang X-ray.

Sinabi ng team na nasa day-to-day status si Beal. Ang kanilang susunod na laro ay sa Miyerkules kontra sa Timberwolves sa Minnesota.

Show comments