Kukunin na ng La Salle?
Laro ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)
GAME 2, best-of-three FINALS
2 p.m. – NU vs FEU (men)
4 p.m. – La Salle vs Ateneo (women)
MANILA, Philippines - Magkukulay berde ba ang kapaligiran ng Mall of Asia Arena ngayong hapon?
Masasagot ang katanungang ito matapos ang ikalawang pagtutuos ng La Salle at Ateneo sa 75th UAAP women’s volleyball finals na mapapanood sa ganap na ika-4 ng hapon.
Unang tagisan ay men’s finals sa pagitan ng National University at FEU sa ganap na ika-2 ng hapon.
Hanap ng host Bulldogs na makopo ang kauna-unahang titulo sa volleyball sa pagsakay sa kinuhang 16-25, 18-25, 25-13, 25-17,15-8 panalo sa unang tagisan noong Linggo.
Galing din ang two-time defending champion La Salle sa pagbangon mula sa 0-2 iskor nang angkinin ang 20-25, 17-25, 25-22, 25-22, 15-6 panalo tungo sa 1-0 kalamangan sa best-of-three series.
Tiyak na sanay na ang Lady Archers na maglaro sa maraming tao kaya’t asahan ang maagang pag-arangkada ng mga manla-larong inaasahan tulad nina Victorana Galang, Michelle Gumabao, Abigail Maraño at Mika Reyes.
“We expect Ateneo to do everything but we are focus for this game. Our mindset is to win this game,†wika ni Maraño, ang MVP noong nakaraang taon.
Maipakitang kaya pa nilang ikampay ang kanilang mga pakpak ang hangarin ng Lady Eagles na noong nakaraang taon ay pumangalawa rin sa La Salle.
Aminado si Ateneo coach Roger Gorayeb na hindi biro ang hamong kanilang hinaharap ngayon dahil dalawang laro ang kanilang kailangang maipanalo pero naniniwala siya na may ibubuga pa ang mga pambatong tulad nina Alyssa Valdez, Jem Ferrer, Dzi Gervacio, Fille Caing-let at Gretchen Ho.
“Dalawang beses na itong nangyari sa amin, panalo na natalo pa. Sana ay natuto na sila. Kailangan lamang ang tibay ng loob at magandang execution,†wika ni Gorayeb.
Hindi pa nakakatikim ng panalo ang Ateneo sa La Salle ngayong season at ang unang labanan ay nakitaan din ng paglarga sa 2-0 kalamangan ng Lady Eagles pero kumulapso rin tungo sa 28-26, 25-21,13-25, 21-25, 13-15 pagkatalo.
Kung magagawa ng La Salle ang kanilang mis-yon, ito ang kukumpleto sa mabungang season dahil ang koponan ang siyang kikilalanin bilang over-all champion sa collegiate division.
- Latest