3-riders nagpasiklab sa Red Horse Beer Extreme Bike

MANILA, Philippines - Nagwagi sina James Lang, Jon Castillo at Paul Diaz sa nakaraang Urban Extreme Sports Challenge ng Red Horse Beer Pambansang Muziklaban grand finals kamakailan sa Pasay City.

Nakopo ni Lang ang titulo sa BMX half pipe category habang nasungkit naman nina Castillo at Diaz ang mga titulo sa mountain bike box jump at BMX box jump, ayon sa pagkakasunod.

Nanalo sila ng cash prizes mula sa Red Horse Beer, ang No. 1 extra strong beer sa buong bansa.

Tinalo ni Lang sina Hanry Chan, Dan Lopez, Paul Diaz, Johnty Claraval, Eboy Farr and Taj Trinidad habang si Castillo naman ay nanalo kina Farr, Trinidad, Max Galsim at Ej Serabia.

Makakakuha sana ng pangalawang titulo si Lang kung hindi siya pini-gilan ni Diaz. Tinalo rin ni Diaz sina Noli Baga, Mike Oliveros, Daboi Pineda at Dairella Elias para sa titulo ng BMX box jump.

Show comments