Pinapirma ng Miami Heat ang 40-gulang na si forward Juwan Howard ng 10-day contract.
Matapos lumaro sa Heat sa nakaraang dalawang taon, hindi nakapirma ng kontrata si Howard nga-yong season gayunpaman ay sinikap niyang manatiling nasa kondisyon.
Gumawa ang Heat ng puwesto para sa kanya bago ang trade deadline at ibinigay nila si Dexter Pittman sa Memphis Grizzlies para sa trade exception.
Si Howard ay naging respetadong lider sa Heat at malapit sa kanyang mga teammates, coaches at sa management. Nakapaglaro siya sa tatlong panalo ng Miami sa playoff tungo sa kanilang NBA title noong 2012.
Sa kanyang 1,201 career games sa 18 seasons, si Howard ay nag-average ng 13.4 points atnd 6.2 rebounds. Na-draft si Howard bilang fifth overall ng Washington noong 1994 at naging miyembro ng Michigan Fab 5 kasama sina Chris Webber at Jalen Rose.
Nanalo na ang Miami ng 13 sunod na games at ang kanilang 42-14 record ang pinakamaganda sa Eastern Conference.