MANILA, Philippines - Naging balikatan ang kanilang banggaan na nagtapos sa isang majority draw.
Duguan ang magkabilang kilay dahil sa suntok at banggaan ng mga ulo, nagtabla ang laban nina World Boxing Organization light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at Mexican challenger Moises Fuentes sa ‘Pinoy Pride XVIII’ noong Sabado ng gabi sa Waterfront Cebu City Hotel.
Nagbigay si judge Atty. Danrex Tapdasan ng iskor na 115-113 para sa Filipino champion at parehong 114-114 naman ang ipinoste nina American Adelaide Byrd at Pat Rusell.
Pinaboran ng tatlong judges si Nietes sa round 11 at 12 kontra kay Fuentes.
May 31-1-4 win-loss-draw ring record ngayon ang 30-anyos na tubong Murcia, Bacolod City na si Nietes kasama ang 17 knockouts, habang iuuwi naman ng 27-anyos na si Fuentes ang kanyang 16-1-1 (8 KOs) card.
Pumutok ang magkabilang kilay ni Nietes sa sixth round kung saan ang isa ay mula sa suntok ni Fuentes, habang ang ikalawa ay dahil sa banggaan ng mga ulo, ayon kay referee Jack Reiss.
Sinamantala ni Fuen-tes ang nasabing mga su-gat ni Nietes para umatake sa seventh at eight round.
Ngunit nakabawi naman si Nietes sa 11th at 12th round mula sa kanyang mga jabs at right straight kontra kay Fuentes, ang kasalukuyang WBO minimumweight titlist.
Sa undercard, tinalo ni World Boxing Council International Silver super bantamweight titlist Genesis ‘Azukal’ Servania (20-0-0, 8 KOs) si Indonesian Angky ‘Time Bomb’ Angkota (26-9-1, 14 KOs) via 7th-round TKO.