^

PM Sports

StoCkinger ambisyon ang F1 Race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Marlon Stockinger na hindi magtatagal ay matutupad na niya ang kanyang asam na makasali sa mga karera sa Formula One.

Wala pang Filipino driver ang nakagawa nito pero namumuro na ang 21-anyos Filipino-Swiss na ipinanganak sa bansa .

Katunayan, gagawa na si Stockinger ng kasaysayan para sa bansa dahil siya ay sasabak sa isang test race gamit ang F1 car sa pamosong Paul Ricard Circuit sa France.

“This April 21, I will do a test in Paul Ricard. Its not an official race but it’s a chance and to be given a chance at that level is very good and historic moment for the Philippines and   to the Filipino drivers,” wika ni Stockinger sa press conference na ginawa sa Manila Peninsula Hotel at dinaluhan din ng kanyang amang si Thomas, inang si Egin na nagdiwang din ng kanyang kaarawan kahapon.

Nagkaroon ng ganitong pagkakataon si Stockinger dahil napabilang siya sa Lotus F1 Junior Team. Siya at si Marco Sorensen ng Denmark ang itinalaga bilang Junior drivers ng Lotus at bibigyan ng  lahat ng suporta ng pamunuan para mahubog ang kanilang husay sa sport.

 

EGIN

FILIPINO-SWISS

FORMULA ONE

JUNIOR TEAM

MANILA PENINSULA HOTEL

MARCO SORENSEN

MARLON STOCKINGER

PAUL RICARD

PAUL RICARD CIRCUIT

THIS APRIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with