MIAMI – Para kay Heat coach Erik Spoelstra ang naging kontribusyon nina LeBron James at Dwyane Wade ay parang ‘Video game numbers.’
Humataw ang dalawa na siya namang kailangan ng Miami.
Umiskor si James ng 40 points at nagdagdag ng career-high 16 assists habang nagsumite si Wade ng 39 points para hatakin ng Heat ang kanilang winning streak sa 12 panalo matapos igupo ang Sacramento Kings, 141-129 sa double overtime nitong Martes ng gabi.
“Some great stat lines tonight,’’ sabi ni James. “But I’m happy I was able to do what I did and help our team win.’’
Ang dalawa ay nagtala ng matataas na numero.
Season high sa scoring si James, para sa kanyang isang buwang mainit na shooting.
Season high sa scoring si Wade na nakatabla sa kanyang career best na 19 field goals.
Nagtala rin ng 36-point si Marcus Thornton ng Kings, ang pinakamalaking naisumite ng isang player na hindi starter ngayong season.
Ang 141 points na final score ng Heat ay tumabla sa kanilang franchise record na naitala noong 1991.
Sa Los Angeles, umiskor si Blake Griffin ng 24 points matapos pangunahan ang paghataw ng Clippers sa second quarter tungo sa 106-84 panalo na nag-angat ng kanilang record sa 23-6.