Bynum sinuspindi ng 1-laro

NEW YORK – Sinuspindi si Detroit Pistons guard Will Bynum ng one game without pay ng NBA matapos tirahin si Indiana forward Tyler Hansbrough sa tiyan sa laro kontra sa Pacers.

Ang suspension ay inihayag noong Linggo ng gabi ni Stu Jackson, ang executive vice president of basketball operations ng NBA.

Ang insidente ay nangyari, may 8:39 minuto pa ang natitira  sa fourth quarter nang matalo ang Pistons sa Pacers, 90-72  noong Sabado sa Palace sa Auburn Hills.

Isisilbi ni Bynum ang kanyang suspension sa Lunes sa pagharap ng Pistons sa Atlanta Hawks sa sariling balwarte.

Show comments