MANILA, Philippines - Dahil sa posibilidad na mawala si guard J.J. Redick sa free agency ngayong summer, ipinamigay ito ng Orlando sa Milwaukee Bucks, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.
Ibinigay ng Bucks sina Doron Lamb, Tobias Harris at Beno Udrih kapalit ni Redick. Ibinigay din sina Gustavo Ayon at Ish Smith sa Milwaukee na bahagi ng deal kay Redick.
Ipinasa rin ng Magic si forward Josh McRoberts sa Charlotte Bobcats para kay Hakim Warrick, ayon pa sa isang source.
Seryoso naman ang Bucks na papirmahin ng bagong kontrata ngayong summer si Redick. Dahil nadagdagan ang kanyang role ngayong season, si Redick ay nag-average ng career-high 15.1 points.
Ang 21-gulang na si Redick ay sumikat sa Magic na kumuha sa kanya sa draft bilang 11th pick overall noong 2006 matapos ang makulay na career sa Duke.
Pumasok si Redick sa NBA bilang shooter lamang ngunit ngayon ay kilala na siyang all-around player at siguradong hahabulin sa pagsisimula sa free-agent market ngayong summer.