^

PM Sports

JJ Redick ipinamigay ng Orlando sa Milwaukee

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa posibilidad na mawala si guard J.J. Redick sa free agency ngayong summer, ipinamigay ito ng Orlando sa Milwaukee Bucks, ayon sa mga source ng Yahoo! Sports.

Ibinigay ng Bucks sina Doron Lamb, Tobias Harris at Beno Udrih kapalit ni Redick. Ibinigay din sina Gustavo Ayon at Ish Smith sa Milwaukee na bahagi ng deal kay Redick.

Ipinasa rin ng Magic si forward Josh McRoberts sa Charlotte Bobcats para kay Hakim Warrick, ayon pa sa isang source.

Seryoso naman ang Bucks na papirmahin ng bagong kontrata ngayong summer si Redick. Dahil nadagdagan ang kanyang role ngayong season, si Redick ay nag-average ng career-high 15.1 points.

Ang 21-gulang na si Redick ay sumikat sa Magic na kumuha sa kanya sa draft bilang 11th pick overall noong 2006 matapos ang  makulay na career sa Duke.

Pumasok si Redick sa NBA bilang shooter lamang ngunit ngayon ay kilala na siyang all-around player at siguradong hahabulin sa pagsisimula sa free-agent market ngayong summer.

BENO UDRIH

CHARLOTTE BOBCATS

DAHIL

DORON LAMB

GUSTAVO AYON

HAKIM WARRICK

IBINIGAY

ISH SMITH

MILWAUKEE BUCKS

REDICK

TOBIAS HARRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with