SMBeer nalo sa Singapore sa ABL
MANILA, Philippines - Mula sa isang kabiguan, bumangon ang San Miguel Beer para igupo ang Jobstreet.com Singapore, 66-55 at masolo ang ikalawang puwesto ASEAN Basketball League kagabi sa Singapore Indoor Stadium.
Naglista si Fil-Am guard Chris Banchero ng 16 points, 5 assists at 4 rebounds, habang kumolekta naman si 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava ng 10 points at 13 rebounds para sa 4-3 kartada ng Beermen.
Nanggaling ang Beermen sa 76-82 pagkatalo sa Westport Malaysian Dragons noong nakaraang linggo kung saan umiskor si Banchero ng 20 points.
Nakahugot naman ang Slingers, may 4-4 marka ngayon, kina imports Kyle Lee Jeffers at Rashad Jones-Jennings ng pinagsamang 28 points at 28 rebounds.
Hawak ng Indonesia Warriors ang liderato mula sa kanilang 6-2 rekord.
Matapos itala ng Slingers ang 9-4 abante sa first period, nagtulong naman sina Banchero, Taulava at import Matt Rogers, kumampanya para sa San Mig Coffee sa kasaluku-yang 2013 PBA Commissioner’s Cup, para pakawalan ang isang 18-3 atake na nagbigay sa Beermen ng 22-12 kalamangan.
Isinara ng Beermen ni coach Leo Austria ang first half bitbit ang isang 10-point lead, 38-28, bago iwanan ang Slingers sa third quarter, 55-44.
San Miguel Beer 66 - Banchero 16, Taulava 10, Rogers 8, Freeman 8, Menk 8, Aveindo 7, Cawaling 5, Rizada 4, Luanzon 0, Acuna 0, Hubalde 0, Burtscher 0.
Jobstreet.com Singapore 55 - Jeffers 20, Wong 8, Jennings 8, Cabatu 8, Folkoff 5, Oh 4, Go 0, Wu 0, Go 0.
Quarterscores: 22-12; 38-28; 55-44; 66-55.
- Latest