MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng coupled entries Sweet JulÂliane at Oh So Discreet ang pagiging paborito sa nilahukang karera na nangyari noong Biyernes sa pagpapatuloy ng pista noÂong Biyernes sa Metro MaÂnila Turf Club Inc. sa MalÂvar, Batangas.
Ang Sweet Julliane ang siyang kumuha ng paÂnalo, habang sumegunÂda ang Oh So Discreet paÂra lumabas din bilang piÂnakaliyamadong kaÂbaÂyo na nanalo matapos magÂhatid ng P6.00 ang diÂbidendo sa win sa race one na isang class division 1 race sa 1,400-metrong disÂÂtansya.
Si RV Leona ang hinete ng Sweet Julliane na kumilos pagpasok sa kalagitnaan ng karera upang kuÂnin ang liderato sa naÂuÂnang namayagpag na Aquarius ni BL Valdez.
Mula rito ay hindi na binitiwan pa ng nanalong kabayo ang bentahe, habang rumemate sa rekta ang Oh So Discreet na saÂkay si Russel Telles.
Ang Aquarius ang puÂmangalawa sa datingan at dahil dehado ito sa bentahan, ang 6-2 forecast ay naghatid ng P99.00 dibidendo sa forecast.
Ang pinakadehadong kaÂbayo na nagpasikat sa ikatlong gabi ng pangaÂngaÂrera sa bagong bukas na race track ay ang Telenovela sa race three na isang class division 1A at isinagawa sa 1,200m distansya.
Ginamitan ng latigo ni jockey Telles ang TeÂlenovela para abutan ang In Demand sa huling 20-metro ng karera at maÂkapagtala ng isang dipang paÂnalo sa meta.
Kumabig ng P38.50 ang mga nanalig sa lakas ng limang taong filly na Telenovela, habang ang 3-1 ay nagbigay ng P624.00 sa forecast.