Martin maglalaro para sa Knicks

NEW YORK --- Magbabalik si veteran forward Ken­yon Martin sa NBA sa pamamagitan ng New York Knicks, sabi ng source sa Yahoo! Sports.

Nakipagkasundo si Martin sa Knicks para sa isang 10-day contract.

Nangailangan ang Knicks ng isa pang post player dahil may mga injury sina veteran big men Rasheed Wallace at Marcus Camby.

Isa si Martin sa mga naging susi sa pagpasok ng Los Angeles Clippers sa playoff noong nakaraang sea­son.

Nagposte si Martin ng mga averages na 5.2 points, 4.3 rebounds at 22.3 minutes sa 42 laro sa nakaraang season para sa Clippers.

Nagkaroon ng sigalot sina Martin at Clippers coach Vinny Del Negro at hindi na siya muling ki­nuha ng koponan.

Si Martin ay naging kakampi nina Camby, Carme­lo Anthony, Jason Kidd at J.R. Smith.

Unang naglaro ang 35-anyos na si Martin para sa New Jersey Nets noong 2000-2004.

Pinili ng Nets si Martin bilang No. 1 overall sa 2000 NBA Draft.

 

Show comments