SMBeermen ipaparada si Rogers kontra sa Slingers

MANILA, Philippines - Hanap ng San Miguel Beermen na maipagka­loob ni 6-foot-10 Matt Ro­gers ang kailangang pu­wersa sa ilalim sa pag­harap sa Singapore Sli­ngers sa 4th  ASEAN Bas­ketball League (ABL) nga­yong hapon sa Singapore Indoor Stadium.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-4 ng ha­pon at si Rogers ay k­inuha para pansamantalang halinhinan si Brian Wil­liams na may iniindang knee injury.

Si Rogers ay sariwa sa paglalaro sa PBA para sa San Mig Coffee pero mi­nalas siyang isang laro la­mang ang sinabakan da­hil nabiktima siya ng food poi­soning bago nagsimula ang liga.

Nakapag-ensayo na si Rogers ng dalawang araw sa bagong koponan ka­ya’t nananalig si Beermen coach Leo Austria na hin­di ito mangangapa sa ka­nilang istilo ng laro.

“It’s a good thing Matt is available on short notice,” wika ni Austria.

May 3-3 karta ang Beer­men pero galing sila sa 76-82 pagkatalo sa Westports Malaysia Dra­gons noong nakaraang Ling­go.

Hindi birong kalaban ang Slingers sa kanilang homecourt matapos  ma­nalo ng dalawa sa unang tat­long laban.

Show comments