Thunder nakabangon sa 3-game losing skid

OKLAHOMA CITY -- Sa pagbibida nina All-Stars Russell Westbrook at Kevin Durant, bumangon ang Oklahoma City Thunder mula sa isang three-game losing skid para talunin ang Minnesota Timberwolves, 127-111, noong Biyernes ng gabi.

Umiskor si Westbrook ng season-high na 37 points, ha­bang may 27 si Durant para sa Thunder.

“I think we could have (done) a better job defensively, but we got a win. That’s all we needed this time after losing three games in a row,” ani Westbrook.

Naiwasan ng Oklahoma City na matalo ng apat na sunod sapul noong Abril ng 2009.

Nagdagdag din si Westbrook ng siyam sa kabu­uang 28 assists ng Thunder.

Pinangunahan naman ni Alexey Shved ang Min­ne­sota mula sa kanyang 17 points kasunod ang tig-15 ni­na Andrei Kirilenko at Dante Cunningham.

Humugot si J.J. Barea ng 12 sa kanyang 14 points sa first half para sa Thunder, samantalang may 19 naman si Kevin Martin mula sa bench.

Nagtala ang Oklahoma City ng 9-for-14 shooting sa 3-point range at perpektong 22-of-22 sa free throw line.

Ang jumper ni Kendrick Perkins ang nagbigay sa Thunder ng 87-70 bentahe sa gitna ng third period ba­go nakalapit ang Timberwolves sa 111-120 buhat sa dalawang free throws ni Luke Ridnour sa 1:40 sa fourth quarter.

Umiskor sina Greg Stiemsma at Ricky Rubio ng tig-13 points para sa Minnesota kasunod ang 10 ni Rid­nour.

Show comments