Alaska dinagdagan ang kamalasan ng Ginebra

MANILA, Philippines - Ipinalasap ng Alaska sa Barangay Ginebra San Miguel ang pang-apat na dikit nitong kabiguan nang iposte ang  84-69 panalo sa elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Min­danao Civic Center sa Tu­bod, Lanao del Norte.

Bagama’t ipinarada ang bagong import na si Ver­non Macklin, ipinalit kay Herbert Hill, patuloy pa rin ang pagbulusok ng Gin Kings.

Itinala ng Aces ang isang 12-point lead, 33-21, sa 8:07 ng second quar­ter buhat sa basket ni im­port Robert Dozier.

Nailapit naman ni Mark Caguioa ang Gin Kings sa 69-77 sa 2:18 sa fourth quarter.

Ngunit nagtuwang sina Dozier, Cyrus Baguio, Sonny Thoss at rookie Calvin Abueva para ilayo ang Aces sa 82-69.

Samantala, matapos tam­bakan ng Petron Blaze at Rain or Shine sa huling dalawang laro, may isang malaking hadlang na naman na nakaabang sa de­fending champion na San Mig Coffee.

Makakaharap ng Mi­xers ngayong alas-6:30 ng gabi ang Talk ‘N Text, ang koponang may pi­nakadominanteng local pla­yers nitong nakaraang tat­long seasons.

Nagmula ang San Mig Coffee sa 65-93 pagyukod sa Rain or Shine noong Biyernes.

“Right now, we’re just looking for some stability. We’ve played with three different lineups in three different games. It’s been very unsettling for us so far. Denzel will work himself into shape. We’re not worried about that. We’ll get going eventually. It’s just a matter of when. We’re hoping its sooner than later. Maybe we can start it against TNT,” ani coach Tim Cone.

Umiskor naman ng da­lawang sunod na pana­lo ang Tropang Texters, ang three-time Philippine Cup champion, mula sa ka­nilang 86-83 pagtakas sa Express noong Pebrero 15 at sa 99-79 paggupo sa Batang Pier noong Miyer­kules.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay nais namang pigilan ng Meralco ang isang three-game lo­sing streak sa pakikipag­harap sa Global­port.

Alaska 84 - Dozier 21, Thoss 16, Espinas 10, Jazul 9, Hontiveros 8, Baguio 8, Abueva 6, Casio 4, Dela Cruz 2, Reyes 0.

Ginebra 69 - Caguioa 20, Macklin 16, Tenorio 8, Ellis 7, Raymundo 6, Ma­maril 4, Helterbrand 4, Hat­field 2, Labagala 2, Taha 0, Baracael 0, Jen­sen 0.

Quarterscores: 23-17; 43-39; 61-54; 84-69.

 

Show comments