MIAMI – May bukas na slot ang Miami Heat ngayon sakaling may darating na player na siyang umiintriga sa reigning NBA champions bago pumasok ang season sa home stretch.

Kapalit nito ay nakakuha naman ang Memphis Grizzlies ng big man.


Ipinamigay ng Heat si backup center Dexter Pitt-man kasama ang isang second-round pick sa draft ngayong taon, sa Grizzlies nitong Huwebes para sa rights kay Ricky Sanchez sa deal na natapos bago ang 3 p.m. trading deadline ng NBA, kung saan ginamit ng Grizzlies ang trade exception.

“I want to thank Dexter for his hard work and professional attitude,’’ sabi ni Heat President Pat Riley. “Unfortunately, in order to gain roster flexibility we had to trade someone. We wish him nothing but the best.’’