Crawford ibinigay ng Wizards sa Celtics

WASHINGTON – Sa sobrang sama ng loob ng Washington Wizards, ipinamigay nila si Jordan Crawford kapalit ng dalawang player na mag-e-expire ang contracts.



Ibinigay ng Wizards si Crawford, naghatid sa Wizards sa panalo sa 17-pagkakataon ngayong season, sa Boston Celtics kapalit nina center Jason Collins at injured guard Leandro Barbosa sa trade deadline nitong Huwebes.

“Jordan did not fit into our current plans ... or our future plans,’’ sabi ni Wizards President Ernie Grunfeld ukol kay Crowford na nagdala sa team noong November at December bago nagpakita ng kanyang pagkadismaya sa kanyang naging role nang makabalik si John Wall mula sa injury noong nakaraang buwan.


Nagsimulang tumira nang wala sa offensive game-plan si Crawford kaya dumating sa puntong hindi na siya binibigyan ng playing time.

 

Show comments