6/55, 6/42 draws pipilahan

MANILA, Philippines - Siguradong pipilahanang  mga lotto outlets sa buong bansa ngayon upang sugalan ang kapalaran sa 6/55 at 6/42 draws.

Lumusot ang P62,564,439.60 jackpot prize na pinaglabanan noong Miyerkules ng gabi nang walang tumama sa kumbinasyong 23-26-30-45-41-54.

Noon pang Enero 23 nang huling tamaan ang premyong pinaglabanan na pumalo sa P40,940,528.40 gamit ang kumbinasyong 8-16-21-23-24-54.

Nakakaengganyo rin ang premyo na nakataya sa 6/42 na papalo sa P15 milyon na.

Huling bola ay nangyari noong Huwebes at walang nakasilo sa kumbinasyong 2-9-10-20-30-33 na nagtaya ng P13,464,007.20 jackpot.

Hanap sa gabing ito ang ikaapat na mapalad na magiging milyonaryo sa 6/42 matapos tamaan ang jackpot noong Pebrero 2, 5 at 12. Ang kabuuang premyo na naipamigay na sa buwan ng Pebrero ay nasa P27 milyon na.

Show comments