2 officials pinarusahan ng PVF

MANILA, Philippines - Pinatawan ng parusa ng Philippine Volleyball Federation ang dalawang opisyales na nagsagawa ng tryouts para sa Natio-nal team noong nakaraang linggo nang walang pahintulot ng board.

Sinabi ni PVF president Gener Dungo na ginawaran niya ng ‘indefinite suspension’ sina secretary general Vangie De Jesus at board member Dr. Ian Laurel dahil sa kanilang ginawa.

Hiningan ang dalawang opisyales ng pahayag kung bakit sila nagdaos ng tryout katuwang ang private firm na SportsCore Event Ma-nagement and Consultancy (SCORE).

Sinabi pa ng PVP na mali ang ginawang representasyon ni De Jesus sa kanilang sports association.

Ang pagbuo sa isang National team ay kaugnay sa lalahukang 17th Asian Senior Women’s Volleyball Championships sa Setyembre.

Bukod sa pagsasagawa ng tryout, nabigo rin si Laurel na dumalo sa mga board meetings, ayon sa liham ni Dungo.

 

Show comments