MANILA, Philippines - Posible pang hindi ma-tuloy ang kanilang laban ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kung hindi pipirma si Cuban titleholder Guillermo Rigondeaux para sa karagdagang drug testing sa Voluntary Anti-Doping Agency Association (VADA).
Sinabi ni Donaire na hindi siya dadalo sa itinakdang press confe-rence ngayong araw sa B.B. King Blues Club & Grill sa Times Square sa New York kapag hindi tumupad sa kanilang usapan si Rigondeaux.
“Their games end before the press con with the signing of the VADA agreement or the fight is off,†babala ng 30-anyos na si Donaire (31-1, 20 knockouts) sa 32-anyos na si Rigondeaux (11-0, 8 KOs) sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Sa kanilang naging negosasyon, pumayag si Rigondeaux na sumailalim sa VADA drug testing na siya ngayong pinanghahawakan ni Donaire.
Idinahilan din ni Rigondeaux at ng kanyang manager na si Gary Hyde ang translation ng fight contract sa Spanish.
“How much more stalling? They got the translation Tues am and its taking them until Thurs to sign it,†wika pa ni Donaire, ang World Boxing Organization at International Boxing Fe-deration titlst, kay Rigondeaux, ang World Boxing Association titlist.
Si Rigondeaux ang kumuha ng gintong medalya noong 2000 at 2004 Olympic Games para sa Cuba at ngayon ay naninirahan sa Miami, Florida.
Nauna nang itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang unification fight nina Donaire at Rigondeaux sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.
Ang tubong Talibon, Bohol na si Donaire, nakabase ngayon sa San Leandro, California, ang tanging boksingero na bo-luntaryong sumasailalim sa VADA drug test.