MANILA, Philippines - Naresolbahan na ang isyu hinggil sa sinasabing pag-ayaw ni Cuban titleholder Guillermo Rigondeaux na sumailalim sa karagdagang drug testing sa Voluntary Anti-Doping Agency Association (VADA).
Nangako si Gary Hyde, ang manager ni Rigondeaux na makikipagkita siya sa Cuban two-time Olympic Games gold medal winner sa New York City para pirmahan ang kasunduang dadaan siya sa VADA testing.
“Rigo has not refused to take VADA testing. I am meeting Rigo tomorrow in New York at which point I will give him the VADA agreement which has been presented to me today in Spanish,†ani Hyde kay Rigondeaux na hindi nakakaintindi ng salitang Ingles. “I asked that the agreement be in Spanish so that Rigo would know exactly what he is signing off on.â€
Si Rigondeaux, kumuha ng Olympic gold medals sa bantamweight division noong 2000 at 2004 Games, ay nakabase ngayon sa Miami matapos iwanan ang Cuba noong 2009.
Nauna nang nagbabala si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na hindi siya dadalo sa itinakdang press conference sa Biyernes (Manila time) sa New York kung hindi sasailalim si Rigondeaux sa VADA drug testing.
“I am not going to New York City for the presser this Thursday because ‘Rigo’ is backing off his agreement to VADA drug testing,†naunang wika ni Donaire sa kanyang Twitter account.
Maghaharap ang 30- anyos na si Donaire, ang WBO at IBF titlist, at ang 32-anyos na si Rigondeaux, ang WBA king, sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York. Nakatakda ang press conference nina Donaire (31-1, 20 knockouts) at Rigondeaux (11-0, 8 KOs) sa B.B. King Blues Club & Grill sa Times Square.