Pargo pumirma ng bagong kontrata sa Philadelphia

PHILADELPHIA – Pinapirma ng Philadelphia 76ers si guard Jeremy Pargo ng bagong kontrata para sa mga nalalabing laro ngayong season.

Lumaro si Pargo ng 10-day contract. Siya ay may 12 points, six assists at 4-rebounds sa kanyang debut kontra sa Charlotte noong Feb. 9 at may average na 8 points, 2.7 assists at 2.3 rebounds sa tatlong games.

Lumaro si Pargo ng 27 games para sa Cleveland ngayong season kung saan 11-beses siyang naging starter. Nag-average ito ng 7.8 points, 2.6 assists at 1.3 rebounds sa Cavaliers.

Ang 76ers (22-29) ay haharap sa Minnesota nitong Miyerkules.

Show comments