^

PM Sports

Lakers owner Jerry Buss yumao sa edad na 80

Pang-masa

Nagkaroon ng makulay na buhay ang may-ari ng Los Angeles Lakers na si Jerry Buss sa mundo ng sports at sa Hollywood.

Matapos lumaki sa hirap sa Wyoming, siya ay na-ging matagumpay sa academia, aerospace at real estate bago nadiskubre ang kanyang  favorite vocation nang mabili niya ang Los Angeles Lakers  noong 1979. Habang gumagawa ng mga tseke si Buss at inaayos ang kanyang mga partnerships, nanalo ang LA Lakers ng 10 NBA titles para makilala ang ‘Showtime’na nagpasikat sa kanila sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng kanyang scientist analytical skills, pagiging playboy, pagiging mahusay na businessman at die-hard basketball fan, pinasikat ni Buss ang Lakers bilang malaking sports entity.

“His impact is felt worldwide,’’ sabi ni Kobe Bryant na matagal nang nagtratrabaho para kay Buss.

Si Buss ay yumao noong Lunes. Siya ay 80-gulang.

“Think about the impact that he’s had on the game and the decisions he’s made, and the brand of basketball he brought here with Showtime and the impact that had on the sport as a whole,’’ sabi ni Bryant. “Those vibrations were felt to a kid all the way in Italy who was 6 years old, before basketball was even global.’’

Maraming players at mga NBA personalities ang nakiramay sa pamilya ni Buss at nag-post sa Twitter. Marami rin ang nagpaabot ng kanilang mensahe at papuri.

Madalas na nasa ospital ng mahigit isang taon si Buss para sa cancer treatment ngunit ang immediate cause of death ay kidney failure.

Dahil sa paglala ng kanyang kondisyon nitong mga nagdaang linggo, ilang Lakers players, dating naglaro sa Lakers ang bumisita kay Buss.

“The NBA has lost a visionary owner whose influence on our league is incalculable and will be felt for decades to come,” sabi ni NBA Commissioner David Stern. “More importantly, we have lost a dear and va-lued friend.”

vuukle comment

BRYANT

BUSS

COMMISSIONER DAVID STERN

DAHIL

JERRY BUSS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

SHOWTIME

SI BUSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with